Mahal kita, Alam mo yan
Tagalog poem

Eto na ang huli kong tula
na madalian kong ginawa
ilalahad huling laman ng akin dibdib
sa loob ng tuliro kong isip
Mahal kita alam mo yan
mula noon hanggang kailan
Ano bang nangyari sa atin dalawa
Bat parang tila nag sawa ka
Tamis ng pag ibig moy biglang pumait
Sa puso mo bay meron ng nka akit?
Sukdulan hanggang langit ang sakit
Sa bawat luwag ng iyong pagkapit
Limang taon at apat na buwan
Minahal kita ng sagad sagaran
Di ko alam bat ka nagka ganyan
ang labis ba, sayo pa ay kulang?
Taas kamay, isusuko ko na
Tibok ng puso, ititigil na
Sa sakit ng ulo, pasensya na
Huli na yan, wag kang mag alala
Mahal kita, alam mo yan
Hindi kita pinagsisihan
Mahal kita hanggang kamatayan
Salitang ngayon ko papatunayan

Support CosmoFunnel.com
You can help support the upkeep of CosmoFunnel.com via PayPal.
Comments
I am not Filipino, but I translated this poem. Such a deep and emotional write. Welcome to the Cosmos JP!
Hello JP,Â
I do hope this is just a poem and not actually your final poem or goodbye. This definitely captures that heart aching sadness a loss in love can bring. But I hope you continue and that this isn’t factualÂ
I hope to read more from you.
A warm welcome to CosmoÂ
Gwen x